Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sinilat Go for Gold: Calado, Dasma hari ng PNVF

0 174

Walang powerhouse-powerhouse!

Ito ang pinatunayan ni Mark Frederick Calado at ng Team Dasma Monarchs nang silatin ang Go-for-Gold Philippine Air Force Aguilas, 19-26, 26-24, 25-18, 25-17 at umupong hari ng 1st Philippine National Volleyball Federation 2021 Champions League men’s division Sabado sa Aquamarine Recreational Center sa Lipa, Batangas.

Nangibabaw sa opensa ng Dasma ang 2017-18 University Athletic Association of the Philippines boy’s junior Most Vlauble Player sa pinalong 18 kills para pabagsakin ng Pool B topnother Cavite-based squad Pool A No. 1 team.

Sa mabangis na pinakita sa pag-sweep ng kanyang kampo sa limang oposiyon, si Calado, 21, ang tinanghal na MVP at 1st Best Outside Hitter para pangunahan din ang event Dream Team.

SM food to go Banner Ad

Kasama niya sina teammate Jayvee Sumagaysay na 1st Best Middle Blocker at Kris Silang na Best Setter, GFG-PAF’s Mark Gil Alfafara 2nd Best Outside Hitter, John Vic De Guzman na Best Opposite Hitter, at Ricky Marcos na Best Libero.

Bitin naman ang 22 markers ni De Guzman para sa Aguilas na nalasap ang unang olats sa apat na salang.

At kinopo naman ng Manileno Spikers ang bronze medal sa paspas na pagligpit sa Global Remit, 25-21, 25-22, 25-20. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.