Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sinilip ni Tenorio: Lee grabe pakondisyon

0 161

Todo sa pakondisyon si Paul Lee.

Pinaghahandaan ng Angas ng Tondo ang papasok na 46th season ng PBA, gusto niyang ipakita na may tibay pa ang mga tuhod.

At para makasabay sa mga mas batang papasok sa pros. Hitik sa guards ang 97 aspirants na nagpalista sa Draft sa March 14.

Sa kanyang Instagram Story Miyerkoles, naka-dokumento ang walang tigil na workout ng Magnolia Hotshots combo guard sa tulong ni Nicolo Chua ng Simple Grind.

“Don’t be the same. Be better,” caption ni Lee. “Eat, train, sleep, repeat.”

Latay kay LA Tenorio ang ginagawa ni Lee, para na raw nasapawan ang Ginebra playmaker.

“Dahil sa ginagawa mo parang gusto ko nang mag-retire, eh, grabe ka pakundisyon pre!” komento ni Tenorio.

Sinagot ng tawa ni Lee, pinahagingan ang dahilan ng matinding workout.

“Naghahanda lang ako maraming bata na papasok,” anang Lee-thal Weapon. “Para tumagal pa tayo, kuya.”

Pareho nang hindi bumabata ang dalawa pero sumasabay pa rin.

Magta-32 na si Lee sa Feb. 14. Ang Ironman ng PBA na si Tenorio ay 36. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.