Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sinira sponsor signboard: Ravena multa, suspendido

0 242

Hinambalos ng two-game suspension at multang ¥100(P44K) si San-En Neophoenix import Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III dahil sa paninira ng sponsor signboard sa harap ng six-game loss sa Japan’s 6th B.League 2021-22 regular round nitong Linggo.

Muling tumaob ang Neophoenix sa Toyama Grouses sa rematch sa nasabing araw 90-89 para sumemplang din sa 3-11, napagbuntunan ng ngitngit ng Pinoy dribbler ang sponsor marker sa kabilang dulo ng court para sirain iyon.

“There was an act of beating and damaging the sponsor signboard of the court end,” pahayag ng liga kasabay sa paglalapat ng disciplinary action kay Ravena.

Humingi ng tawad ang sophomore pro sa ginawi.

SM food to go Banner Ad

“To the Neophoenix Boosters, sponsors, management, my teammates and coaches, especially the Toyama Grouses organization, sponsors, everyone involved, I deeply apologize that something like this happened.”

“With the series of losses and personal bad games, I let my emotions get the best of me. And the chance of actually winning a game, but losing it because of me was just too much at that point. Again, I apologize to everyone.” saad ng 6-foot-3 swingman Miyerkoles.

Nag-sorry din ang Neophoenix sa Grouses. Magagarahe si si Ravena sa sabak ng San-En sa SeaHorses Mikaya sa Disyembre 4 at 5. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.