Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sinita ng COA mga record! DA burara sa P32B budget

0 41

Pinuna ng Commission on Audit (COA) ang kawalan ng ledger at kakulangan ng records sa P32.4 bilyong gastusin ng Department of Agriculture (DA) na nasa 379 accounts noong 2020.

Nagpahayag ang COA ng duda sa 2020 financial statements ng DA dahil umabot din sa P2.1 bilyon ang accounting errors nito para sa taon.

Sabi ng COA, hindi rin ni-record ng DA ang mga ipinamahagi nitong imbentaryo ng mga kagamitan na nagkakahalaga ng P942.6 milyon kasama ang P550.8 milyong agriculture at marine supplies na dapat ay sa mga magsasaka’t mangingisda at P111.7 milyong imbentaryo ng medical, dental at laboratory supplies.

SM food to go Banner Ad

“A qualified opinion was rendered on the Financial Statements due to various accounting errors/omissions amounting to P2,087.408 million, which exceeded the materiality level of P360.581 million and accounting deficiencies such as absence of subsi­diary ledgers and lack of complete accounting records on 379 accounts with an aggregate amount of P32,362.002 million,” sabi ng COA.

Nakinabang ang DA sa Bayanihan One and Two kung saan naatasan itong magpatupad ng 40 programa na pinondohan para makaahon ang ekonomiya ng bansa.

Sa kabila ng karagdagang suporta sa DA, bagsak pa rin ang sektor ng agrikultura noong 2020 at patuloy pa itong sumadsad sa first quarter ng 2021. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.