Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sinita sa facemask, Chinese naghamon ng suntukan

0 278

Arestado ang isang Chinese national nang maghamon umano ng suntukan at itulak ang security officer na sumita sa kanya dahil sa hindi pagsusuot ng face mask habang nasa isang condominium kahapon sa Ermita, Maynila.

Sinampahan ng paglabag sa Revised Ordinance 8627 (requiring mandatory use of facemask) at Article 155 ng Revised Penal Code (Alarm and Scandal) ang suspek na si Ben Zhang Lin, nanunuluyan sa Unit 2119 Torre De Manila, sa Taft Avenue, Ermita.

Related Posts

Nabatid kay P/Major Rommel Anicete, hepe ng General Assignment and Investigation Section ng Manila Police District alas-12:00 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa lobby ng condo.

Unang nireklamo ng mga okupante ang pagala-gala at lasing umanong suspek na walang face mask sa lobby.

Nang pagsabihan ang dayuhan ay itinulak ang sekyu, hinamon ng suntukan at nagwala kaya humingi na ng police assistance. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.