Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sinita sa facemask, nakapkapan ng droga

0 558

Arestado ang isang 29-anyos na lalaki matapos sitahing walang suot na face mask at paglabag sa curfew kung saan ay nagawa pang sumagot at nang damputin ay nakapkapan ng shabu sa bulsa kamakalawa ng gabi sa Barangay Manggahan, Pasig City.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 11332, Disobedience at RA 9165 ang suspek na si James Philip Navarro y Cortez, 29-anyos, kabilang sa listahan ng drug watch list ng barangay at pulisya.

Sinita ang suspek ng Pasig City Police PCP 7 bandang alas-11:30 Sabado ng gabi habang naglalakad sa Kaalinsabay St., Barangay Manggahan dahil walang suot na face mask kung saan ay sumasagot pa umano sa pulis at nang hanapan ng ID ay nakita ang dalawang plastic sachet na naglalaman ng shabu na nasa 0.06 gramo at tinatayang nasa Php 408 ang halaga.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Pasig detention cell. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.