Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sinita sa paglaklak, PNPA cadet nang-umbag

0 4,365

SUGATAN ang isang kadete ng Philippine Nation Police Academy (PNPA) nang bugbugin ng kapwa nito kadete matapos pagsabihan sa kanyang pag-iinom sa loob ng akademiya sa Silang, Cavite, Huwebes ng gabi.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kinilala ang nabugbog na si Cdt 1C Joab Mar Nacnas Pumehic, 25, habang ang bumugbog ay si Cdt 1C Denvert Dulansi, 25, kapwa 1st class Cadet at stay-in sa loob ng PNPA Camp Castañeda, Brgy Tartaria, Silang, Cavite

Sa report ni PSSgt Aries Mendoza, ng Silang Municpal Police station, alas-11:00 kamakalawa ng gabi nang pagsabihan ni Puhemic si Dulansi hinggil sa pag-iinom nito ng alak sa rooftop ng Lakan 2 sa loob ng PNPA Academy subalit minasama ni Dulansi na humantong sa mainitang pagtatalo hanggang sa bugbugin ng huli ang una. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.