Abante Tonite Interactive

Sinita sa paninigaw, mag-ama timbog sa droga

0 263

Malamig na rehas ngayon ang hinihimas ng mag-ama matapos silang ireklamo sa panggugulo at mahulihan ng droga sa Brgy. Bawanta, La Union noong Linggo.

Kinilala ng La Union Police Station (LUPS) ang mag-ama na sina Brasil Bucasan, 38, at anak nitong si Mark John, 19, isang construction worker, parehong taga-Barangay Lower San Agustin, Bauang sa nasabing lalawigan.

Base sa report ng LUPS, naaktuhan umano ng mga rumespondeng pulis ang paninigaw at paghahamon ng mag-ama sa gitna ng daan habang nakahawak ng bato ang matandang Bucasan.

Agad na hinuli ang mga suspek at sa ginawang pagkapkap ng mga pulis, nakarekober ang mga ito ng apat na plastic sachet sa mga suspek na may lamang pinatuyong marijuana.

Napag-alaman na nangyari ang insidente matapos sumahod ang mga ito mula sa kanilang pinagtatrabahuhan sa Brgy. Bawanta.

Nahaharap sa kasong alarm and scandal at anti-illegal drug act ang dalawa na nakakulong ngayon sa LUPS detention cell. (Allan Bergonia)