Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sinita sa panunulot, 3 sinakyod

0 287

NANG dahil sa selos, malubhang nasugatan ang tatlong kabataan matapos silang pagsasaksakin nang sinitang suspek sa Barangay Carmen West, Rosales, Pangasinan, Linggo ng madaling araw.

Kinilala ng Rosales Police Station (RPS) ang biktimang sina Christopher O. Pondanera, 24; John Derick L. Unggos, 23 at Ruby Ann Javier, 15.

Ang suspek naman ay si Donrick Cabreros, 19, ng Poblacion East, ng nasabing bayan.

Sa report, ayon sa RPS, kinumpronta umano ni Pondanera si Cabreros dahil sa pinupormahan daw niya si Javier hanggang sa magtalo ang mga ito.

Habang nagtatalo, umawat umano sina Unggos at Javier ngunit dito bumunot na patalim ang suspek at pinag-uundayan ng saksak ang mga biktima.

Agad namang isinugod ang mga biktima sa ospital habang ang suspek ay dinala sa RPS. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.