Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sinita sa quarantine pass, pisak sa trak

0 412

Nasawi ang isang 57-anyos na driver-helper nang magulungan ng isang trailer truck habang sinisita kung may quarantine pass sa gilid ng kalsada Trece Martires City.

Isinugod pa sa Gen. Emilio Aguinaldo Hospital ang biktimang si Jovito Magat, ng Romasanta St., Brgy Luciano, Trece Martires City subalit namatay din habang ginagamot.

Hawak naman na ng pulisya ang driver ng isang Isuzu Truck na may trailer at may plate number na YJO 427 na si Randy Igcasan, 39 ng Cityland Brgy de Ocampo, Trece Martires City, Cavite.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa ulat ni PSSgt Rene Bibon ng Trece Martires City Police Station, alas-4:10 kahapon ng madaling araw nang naganap ang insidente kung saan minamaneho ng suspek ang isang trailer truck galing sa Brgy de Ocampo at patungo sa direksiyon ng Brgy san Agustin ng naturang Lungsod.

Pagsapit nito sa intersection ng Market Road ay kumaliwa ito kung saan nagulungan nito ang biktima sa kaliwang likurang gulong ng trailer habang nakatayo sa harapan ng Establish Control Point of Civil Security Unit ng TMCPS at tsine-tsek ang quarantine pass nito ng isang Security Enforcer.

Mabilis na isinugod sa ospital ang biktima subalit namatay din ito habang ginagamot. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.