Abante Tonite Interactive

Sinita sa shabu pumalag, nabaril ng pulis

338

Sugatan ang isang lalaking suspek nang mabaril sa paa ng isang pulis matapos mahuling may dalang shabu sa Brgy. Payatas, Quezon City, Sabado ng hapon.

Sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD), kinilala ang suspek na si Sanny Enso, 37-anyos at nakatira sa nasabing barangay.

Nagsasagawa diumano ng surveillance ang mga operatiba ni Lt. Col. Romulus Gadaoni ng Batasan Station 6 dakong alas-5:40 ng hapon nang maispatan ang suspek sa Lower Sampaguita Extension sa Area A ng Brgy. Payatas na may hawak na sachet ng shabu.

Subalit pumalag diumano ang suspek nang aarestuhin, bumunot ng baril na caliber .38 revolver at ipinutok ito sa mga operatiba pero walang tinamaan.

Gumanti ng putok ang isang pulis at tinamaan si Enzo sap aa.

Nakumpiska mula sa suspek ang .5 gramo ng shabu na nagkakahalaga umano ng P3,400, isang baril na caliber .38 Smith and Wesson na may serial no. 530064 at limang bala nito.

Tonite – Wendys Inhouse Ad