Abante Tonite Interactive

Sino ang mamumuno sa Brooklyn Nets?

451

Kumpirmado na nga ang tambalang Kyrie Irving-Kevin Durant sa Brooklyn Nets na parehong apat na taon ang mga kontrata.

Pero ang tanong, sino ang mamumuno sa koponan? Siguradong sa 74th season ay pamumunuan ni Irving ang Nets dahil sa Achilles injury na natamo ni Durant na magpapaupo muna sa kanya sa 2019-20 NBA season.

Maaalalang kaya umalis ng Cleveland Cavaliers si Irving dahil gusto niyang maging leader ng isang team. Ngunit kilala ring ball dominant si Durant gaya ni Irving.

Naglaro naman si Durant sa Golden State Warriors na may kasamang apat na iba pang all-star ngunit nag-iba ang resulta ng laro nang mawala siya sa lineup dahil sa mga injury.

Sino kaya ang mag-a-adjust?

***

Bilang pasasalamat sa serbisyo at kampeonato na ibinigay ni Durant sa Bay Area, ireretiro ang No. 35 ni Durant sa Warriors.

Bukod sa kampeonato, kakaibang mentality rin ang pinakita ni KD dahil naglaro ito noong Game 5 ng Finals vs Toronto Raptors kahit ‘di pa siya 100 porsiyento dahil sa injury na natamo laban sa Houston Rockets noong playoffs.

Kaya ang No. 35 sa Bay Area ay pag-aari ni Durant!

***

Hanggang ngayon ay wala pang desisyon si Raptors star Kawhi Leonard kung saang koponan maglalaro.

Dahil tanggal na sa listahan ang Los Angeles Clippers, dalawang team na lang ang pinagpipilian niya, ang Los Angeles Lakers at Toronto.

Ang isa sa pinakasikat na lugar sa America o sa bansa na marami kang pribilehiyo?

***

Kung kayo po ay mayroong reaksiyon o balak itanong, mag-email lamang po sa alecpaolo2016@gmail.com. Patuloy niyo rin pong suportahan ang online show ng Abante, ang Sportalakan, tuwing Martes alas-sais nang gabi sa Abante News Online. Maraming salamat po!