Abante Tonite Interactive

Sino ang mas malibog, babae o lalaki?

By
2,378

Mahirap itong pagtalunan. Hindi porke’t palasimba o mahinhin ang kilos ng isang babae, o tipong konserbatibo rin ang isang lalaki ay masasabi mo nang wala itong hilig o boring pagdating sa sex.

Looks can be deceiving, ‘ika nga nila. Hindi naki­kita sa pisikal o galaw ang pagkahilig ng isang tao kundi lumalabas ang totoong init o libog nito pagda­ting sa pribadong lugar.

Pero kung sex drive ang pag-uusapan, di-­hamak ngang mas magiting na mandirigma ang mga Adan. Ayon sa webmd.com, mas mahilig ang mga kalalakihan.

Straightforward sila pagdating sa sex kumpara sa mga kababaihan na kailanga’y may emotional connection muna (maliban na lamang kung ipi­nangkakalakal nila ang katawan nila).

Mas madaling ma-arouse at tindigan ang mga Adan samantalang kailangan munang makipag-usap o magkaroon ng koneksyon bago mapukaw at makipag-make love ang mga Eba.

Sa loob ng 4 na minuto ay kaya nang labasan ng mga kalalakihan samantalang ang mga kababaihan ay kalimitang inaabot pa ng 10-11 minuto bago mag-orgasm.

Hindi nga ba’t lumabas sa mga unang pag-aaral o base sa statistics ay sumasagi sa isip ng mga kalalakihan ang ‘sex every seven seconds’?

In short, kung pag-uusapan ang intensity at ­frequency, mas malibog ang mga boys.