Abante Tonite Interactive

Sino ang may kasalanan?

730

Dra. Margarita Holmes

Dear Dra. ­Holmes: (shortened Oct. 19 letter)
Greg and I had no sex until marriage, my decision. Greg loved watching porn.

To control Greg’s attempts to download or watch porn, we didn’t subscribe to an internet plan at home, res­trained him from these materials.

All his porn wat­ching actions are done secretly, but when I found out, I slapped him and wrecked his porno materials. No matter what I do, he always finds new ways to enjoy porn. HELP!
Frustrated Wife

Dear FW (Frustra­ted Wife):
Maraming salamat sa iyong sulat na pinublish natin nang buo kahapon, Sabado, Oktub­re 19. Ang dami mong kinuwento tungkol sa kakulangan ng asawa mo pero kung ikaw ay talagang tutulungan ko, mas mabuting i-focus natin ang ating usapan sa mga bagay na mababago natin. Wala tayong mababago sa kilos ng asawa mo dahil hindi siya humingi ng tulong so bakit siya makikinig sa atin?

Pero ikaw ay humi­ngi ng tulong kaya ma­lakas ang loob ko na baka may 1 o 2 akong masabi na maiiugnay mo sa buhay mo. Hindi lang sa buhay mo, pero sa mga desisyon na pinili mo sa buhay mo.

Alam ko, masakit isipin na ikaw rin pala ay nag-ambag ng sarili mong problema, pero ang good news dito ay dahil ikaw ay nag-ambag, maaari ka ring mag-decide na tumigil sa mga ginagawa mo, ang mga ginagawa mo na tila mas nakakaengganyo sa asawa mong ipagpatuloy ang kaniyang ginagawa.

Halimbawa, dea­rest FW, napansin mo ba na ang karamihan ng iyong kilos ay bilang nanay sa isang maliit na bata, at hindi bilang asawa sa asawa? Pinagbabawalan mo siyang manood ng porn so ano ang ginagawa niya? Parang bata, tinatago na lang niya ang kaniyang panonood. TO BE CONTI­NUED.

***
Si Dra. ­Holmes ay nagsusulat sa Abante tuwing Lunes, Miyerkoles at Biyernes at sa TONITE tuwing Sabado at Linggo. Sulatan siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargie­holmes.