Abante Tonite Interactive

Sino ang nagtanim sa paglago ng ekonomiya?

By
17

Kamakailan lamang, napasabak sa isang forum si Dr. Jaime C. Laya, dating governor ng Central Bank of the Philippines at dating minister of budget. Natanong siya kung ano ang mga international economic environment noong panahong nanilbihan siya sa rehimeng Marcos.

Siyempre, nabanggit niya ang dalawang oil crisis. Una ay noong Oktubre 1973 matapos ideklara ang giyera sa pagitan ng Israel at Egypt kung saan sumipa ng apat na patong ang presyo ng langis mula $3 hanggang $12 per barrel. Nasundan ito noong 1979 dahil sa Iran revolution kung saan umakyat ang presyo ng langis sa $39 per barrel.

Dahil dito, tumaas ang presyo ng gasolina, pasahe, freight rates at presyo ng bilihin.

Kasunod na rin nito ang pagtaas ng minimum wage law at pagkabawas ng kita sa pagnenegosyo.

Umutang ang bansa para mapondohan ang “infrastructure program” kung saan naging suki tayo ng World Bank (WB) habang nakaalalay naman ang International Monetary Fund (IMF) sa kanilang oversight. Nagkataon naman na nasabay ang international debt crisis bunsod ng worldwide recession.

Dalawang buwan ang lumipas matapos mapatay si dating Senador Benigno A. Aquino Jr. noong Agosto 1983, nagkaubusan naman ng dolyares sa bansa kung saan naubusan ang gobyerno pati na sa pambayad sa principal amortization at interes ng utang.

“The point is that there were so many adversities during the term of President Marcos before and during martial law, and after martial law was lifted.

There were problems—crises internationally as well as domestically—but notwithstanding all of this, we did quite well, all things considered, and at the same time laid the foundation for what subsequent administrations enjoyed.”pagmamalaki ni Laya.

Binanggit pa ni Laya na inengganyo ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang nontraditional exports kung saan hindi lang siya tumutok sa asukal, coconut oil at copper kundi pinalago din niya ang handcrafts, electronics at car parts.

Inengganyo din ang mga construction companies na gumawa sa labas ng bansa upang makatulong sa international community.

“Notwithstanding the time of crisis, we experienced economic progress and laid the foundation for future growth”diin ni Laya.

Kayo na ang humusga sa nagawa ng dating administrasyon.