Abante Tonite Interactive

SINO ANG NASA LIKOD NG PAGPATAY SA MAGKAPATID NA ROSALES?

122

(Last Part)

“Maraming ­problema ‘yan eh, sa pera. Kami dito ang pagkakaalam namin marami silang problema sa pera, sa pamilya. ‘Yung problema sa lupa, meron din. ‘Yung isang side problema sa partihan ng lupa, ‘yung other side sa pa­milya” ayon kay Exequil ‘Mang Iking’ Wences­lao, kapitbahay ng pamil­ya Rosales.

Sinabi pa nito, “bakit nila idinamay ang mga bata? Baka kunwari kunwarian lang ‘yung nakawan. Nakasanayan na ng mga tao na hindi pinapansin ang bahay na ito kasi luma na, bulok na. ‘Yung tindahan dyan sa tapat ng bahay nila ay magdamag bukas eh wala namang pumapansin. Ang alam lang eh may patay, tapos ­bigla na lang ninakawan.”

Dagdag pa ni Tatay Iking hindi lamang ang mag-iina ang nakatira sa kanilang bahay may kamag-anak pa silang kasama sa bahay.

Sa pinakahu­ling ulat, lumalabas na pareho ang bumaril at p­umatay sa magkapatid na ­Cristel at Petronio R­osales matapos maglabas ng carto sketch ang ­Makati City Police.

Ayon kay Makati City Police Chief, S­enior Supt. Tomas Apolinario, nakabuo na ng carto sketch ang task force na kung saan nagtutugma na pareho ang pumatay sa magkapatid.
Malinaw na perso­nal at malalim ang mo­tibo ng mastermind dahil pinagplanuhan ang pagpatay sa kanila.

“Kinokonsidera natin kung talagang k­onekted ang motibo sa kanila kung bakit g­inawa itong krimen na ito” ani ni Apolinario.

Mula sa lima ay ­tatlo na lang ang itinuturing na ‘person of interest’ ng Makati City Police.

Patuloy ang pagbusisi ng pulisya sa iba’t ibang anggulo ng pamamaslang kasama ang negosyo at transaksyon ng pamilya para makita kung may maaari itong ikawing sa pagpatay sa magkapatid.