Abante Tonite Interactive

Sinong papalit kay Blatche?

320

Full-force na ang Gilas Pilipinas para simulan ang dalawang buwan na ensayo sa parating na 18th Fiba World Cup 2019 sa Aug. 31-Sept. 15 sa China.

Nitong nakaraang Sabado, dumating na sa bansa si Andray Blatche, na kumpara sa mga dati niyang pangangatawan ay kapansin-pansin na nagbawas ng timbang ang dating NBA forward.

Magandang senyales ito para sa Gilas, makakatutok ang naturalized import sa team chemistry kaysa maibalik ang kanyang game shape.

Limang taon nang nagsisilbi ang forward/center sa PH national team, kung titingnan ay naging instrumento para maiangat ang kalidad ng basketball sa bansa, patunay sa ikalawang sunod na pagtungtong sa World Cup.

‘Pero ‘di kaila na gumawa rin ng ilang mga problema si Blatche sa PH squad, mayroong bigla itong nag-pull out sa 2017 Fiba Asia Cup, ilang beses na ring na-delay ang paglapag ng manlalaro sa bansa para sa training.

At sa edad na 32-anyos, siguro’y nararapat nang maghanap ng bagong magiging pambala ng ‘Pinas sa international tournaments.

Una sa listahan ay ang Ginebra resident import na si Justin Brownlee.

Kung may mas malapit sa mga Pinoy sa kasalukuyang batch ng PBA import, ito’y wala nang iba kundi ang Georgia-native, na kung tutuusin ay ilang beses nang nairepresenta ang Pilipinas sa kanyang pagsalang sa ABL maging sa Mighty Sports Apparel.

Isa pa, nakasalang na ang papel niya para ma-ging Filipino netizen na magpapadali sa proseso ng kanyang mga papeles.

Kung sakali namang mapatunayan na ineligible si Jordan Clarkson bilang local player, ang Fil-Am guard na marahil ang pinakamalakas na magiging naturalized player ng bansa kapag nagkataon.

Napatunayan na niya ito sa 2018 Asian Games kung saan kitang angat ang kanyang kalibre sa mga Asian counterparts kahit pa limitado lang ang naging ensayo sa koponan.

Posibleng prospect din sina Greg Smith, isa ring dating NBA center na naging practice player ng Gilas, at ang batang Isaiah Austin na isang perpek-tong ehemplo sa ‘puso’ mantra ng national team tapos bumangon sa sakit na Marfan syndrome.