Abante Tonite Interactive

Sinong pasok sa all-time starting 5 ng Ateneo?

394

Sa mundo ng collegiate basketball dito sa ‘Pinas, Ateneo na marahil ang pinakakinakatakutang koponan sa nakalipas na dalawang dekada.

Pitong kampeonato ang binulsa ng Jesuit-run university simula noong 2000’s, siyam naman sa kabuuang kasaysayan ng liga.

At ngayong taon nga sa 2018-2019 o 82nd season, muli na namang gumawa ng kasaysayan ang Eagles tapos maging ikatlong koponan sa liga na nakakumpleto ng kakaibang elimination sweep sa record na 14-0, na naging tulay para makuha ng tropa ni coach Tab Baldwin ang outright Finals berth at makalapit sa back-to-back championship ng collegiate league.

Isa pa sa maganda sa programa ng Ateneo ay marami sa kanilang mga manlalaro ang nagiging star players pagdating sa pro-level tulad ng PBA, ang iba ay nakakatungtong pa kahit sa developmental league ng NBA.

Ating tingnan ang mga current active player ng PBA na certified Atenista at alamin kung sino-sino ba ng maaring pumasok sa all-time starting five base na rin sa kanilang mga accomplishment noong college at sa pro league.
Simulan natin sa isa sa pinakamahalagang posisyon sa basketball na nagdidikta ng tempo ng laro, ang point guard.

Maraming dumaang maliliksi at matatalinong guwardiya sa Ateneo – nandyan sina Chris Tiu, Francis Arnaiz, at Olsen Racela, ngunit wala na atang mas titibay pa sa Iron Man ng PBA na si LA Tenorio.

Sa kanyang rookie year bilang Blue Eagle noong 2001, nagpakilala nang tuluyan si Tinyente tapos umiskor ng 30 points sa winner-take-all Game 3 kontra rivals La Salle Green Archers, ngunit nabigo sa paghahari ni ‘Rain Man’ Renren Ritualo para malasap ni Tenorio ang kanyang marahil pinakamasakit na kabiguan sa UAAP.

Ngayon ay naglalaro para sa crowd favo­rite team na Ginebra San Miguel si Tenorio, dito ay nagkampeon ng tatlong beses, naging three-time Finals MVP din, at nine-time PBA All-Star member.

Para naman sa shooting guard position, ‘di na dapat pag-isipan na makuha ni Kiefer ang puwesto sa All-time Starting Five sa nakalipas na dalawang dekada.

Para sa may bansag na ‘King Eagle’ automatic lock si Ravena kapag usapin ang mga pinakamagagaling na manlalarong nakapagsuot ng Ateneo jersey.
Si Kiefer na marahil ang pinakamahusay na scorer na tumungtong sa liga, ngunit bukod sa galing sa pagpuntos ay underrated playmaker din tapos dalawang beses na maging assists leader sa UAAP.

Ilan sa mga nakamit na accolade ng tinagurian ding ‘The Phenom’ ay ang Rookie of the Year plum, tatlong Mythical Five selection, dalawang kampeonato, at two-time league MVP din.

Tungo naman tayo sa small forward position, na isa sa pinakamahirap na pagpi­lian dahil maraming magagaling na forward ang Ateneo, ngunit atin itong ibibigay sa ‘Baby-faced assassin’ ng PBA na si Larry Fonacier.
Ilang heartbreaks ang pinagdaanan ni Fonacier sa UAAP sa kamay ng DLSU, sa kanyang sophomore season ay natalo sa Game 3 ng La Salle, ang laro kung saan pumuntos nga si Tenorio ng 30 points sa 93-88 loss.

Sa season 65 ay matagumpay na na­kabawi si Fonacier, hinirang na co-Finals MVP kasama si Wesley Gonzales habang nag-aa­verage ng 11.7 points per game ngunit sa mga sumunod na taon ay naging matamlay ang collegiate career nang matalo sa FEU sa Finals.

Para naman sa powe­r forward position, ating tingnan ang isa sa pinakadominanteng big man na naglaro para sa Ateneo – ito ay walang iba kundi ang half-Pinoy, half-Middle Eastern na si Rabeh Al-Hussaini.
Marami siguro ang magtataka kung bakit si Al-Hussaini ang a­ming napili sa all-time list gayong hindi naman ito masyado napansin sa PBA.

Sa kanyang limang taon sa UAAP, nag-average lang naman 2-10 2nd overall pick ng 24.6 points, 13 rebounds at 2 assists kada laro.

At para sa huling posisyon, ang sentro, ating pipiliin ang isa ngayon sa top big man ng PBA na si Greg Slaughter.

Naging productive ang dalawang season ni Slaughter sa UAAP, nagbunga ng dalawang kampeonato at nag-average ng 13.1 points, 9.8 rebounds at 2.9 blocks per game para kumpletuhin ang five-peat para sa Ateneo.

Pagtungtong sa Ginebra ay binuo ang ‘Twin Towers’ kasama si Japeth Aguilar, at nilaro ang kanyang best season sa 2017 PBA Governors’ Cup kung saan ginawaran siya bilang PBA Best Player of the Confe­rence.