Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sinong presidential bet ang swak na lider sa krisis ?

0 75

Napaisip ako sa naging banat ni Pangulong Rodrigo Duterte kay presidential bet Ferdinand Marcos Jr.

Sabi ni Duterte mahinang lider si Marcos Jr. kapag nagkaroon ng krisis ang bansa.

Maliban sa nasabing birado ay inakusahan din nya itong may bagahe kaya mahirap piliin na mamuno sa bansa.

Kung hindi naniniwala si Duterte sa kakayahan ni Marcos Jr., na maging mabuting lider kapag may krisis, sino kaya sa hanay ng mga presidential bet ang swak sa posisyon?

Isa-isahin natin ang mga presidential bet maliban kay Marcos Jr. ito ay sina Leni Robredo, Panfilo ‘Ping’ Lacson, Isko Moreno, Manny Pacquiao at Bong Go.

Sa nabanggit na mga pangalan sino ba ang nakikitaan natin ng kakayahang humawak ng bansa sa panahon ng krisis?

Tama ang binitiwang punto ni Pangulong Duterte. Sa iluluklok na Pangulo dapat ay tingnan din natin ang kakayahan nito sa isang krisis o napakabigat na sitwasyon.

Hindi naman kasi lahat ng panahon ay puro pagpapa-cute ang haharapin ng mananalong Pangulo ng bansa sa 2022 national election, kaya dapat ay bigyang pansin ito ng mga botante.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kaya ang panawagan natin sa mga kababayang Pilipino, lawakan natin ang panuntunan ng pagpili ng ating iluloklok na Pangulo ng bansa.

Bukod sa malinis ang background, tingnan din natin ang kakayahan nitong pamunuan ang bansa kapag naharap sa matinding krisis gaya ng pagkubkob ng Maute group, SAF 44 massacre at marami pang mas malulupit na krisis na puwedeng kaharapin ng bansa.

Kung kailangan natin ng lider gaya ng hinahanap na kapalit ni Pangulong Duterte si Lacson lang ang nakikita kong pasok dito.

Sa haba ng panahon ng pagsisilbi n’ya sa gobyerno, hinog na hinog na ito na maging susunod na Pangulo ng bansa at swak na swak talaga sa anumang krisis na maaring suungin ng bansa.

Hindi natin minamaliit ang ibang presidentiable pero mas lamang sa kanila si Lacson.

Kaya sana makita rin ito ng ating mga kababayan. Huwag tayong tumingin sa kung sino patok o maingay dahil kadalasan

ang mga maiingay na ‘yan ay parang lata na malakas lang ang kalansing pero wala namang laman.

Leave A Reply

Your email address will not be published.