Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sinopharm bakuna sa mga PSG iniregalo – Malacañang

0 81

Ipinagtanggol ng Malacañang ang donasyong Sinopharm vaccine sa mga tauhan ng Presidential Security Group (PSG) matapos kuwestiyunin ng ilang grupo na labag ito sa Anti-Graft Practices Act.

“Ako po ay abogado, hindi po ‘yan absolute. ‘Yung mga tokens po pinapayagan naman lalo na kung panahon ng Pasko. Puwede pong tokens, ‘yung mga walang masyadong halaga,”ani Presidential Spokesman Harry Roque.

Hindi aniya kailangang palakihin ang isyu sa donasyong bakuna sa PSG dahil ang layunin lang naman nito ay maprotektahan ang kalusugan ng Presidente laban sa COVID-19.

Nauna rito, sinabi ni Roque na mahigit isang milyon na ang naturukan ng naturang bakuna galing China at dumaan na sa ebalwasyon ng iba pang mga bansa. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.