Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sinopharm humirit ng EUA

0 76

Nagsumite na ng aplikasyon ang Sinopharm para mabigyan ng Emergency Use Authorization (EUA) ng Food and Drug Administration (FDA) ang kanilang bakuna laban sa COVID-19.

Ang Sinopharm ay pharmaceutical company na pinatatakbo ng gobyerno ng China.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na naisumite na nitong Lunes ng Sinopharm ang kanilang aplikasyon.

Ang Sinopharm ang nais umanong ipaturok ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil hindi puwedeng gamitin sa mga senior citizen ang Sinovac na naunang dumating sa bansa.

Ayon kay Roque, aabutin ng 21 araw o higit pa bago maaksiyonan ng FDA ang aplikasyon dahil dadaan sa masusing pag-aaral at pagbusisi ng mga eksperto ang mga dokumentong ibinigay ng Sinopharm sa gobyerno. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.