Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sinopharm vaccine `wag iratsada

0 317

Kinalampag ng 39 na doktor ang Food and Drug Administration (FDA) para isantabi ang compassionate special permit (CSP) na ibinigay sa Chinese-made Sinopharm COVID—19 vaccine, na itinurok kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Base sa ulat ng online news site Politiko (politics.com.ph), binigyang-diin ng mga doktor na ang pagkakaloob ng emergency use authorization (EUA) para sa bakuna kontra COVID-19 ay nagsisilbing katiyakan na ligtas at epektibo ito.

Subalit ang kawalan naman umano ng permit ng isang bakuna ay nangangahulugan na delikado ito sa kalusugan ng sinomang tao.

“We thus recommend to policymakers that existing CSPs for any COVID-19 vaccines without EUAs be rescinded, and that the said vaccines undergo the proper EUA process before being administered to any Filipino,” ayon sa pahayag ng mga nabanggit na doktor.

SM food to go Banner Ad

Giit ng mga doktor na kinakailangang dumaan sa tamang proseso ng pagkuha ng EUA ang mga vaccine manufacturer para magkaroon ng tiwala o kumpiyansa ang publiko sa pagpapabakuna.

“We believe in `Tamang Bakuna, Tamang Proseso’. The collective efforts of government agencies, supported by independent scientists and medical experts, are worthy of the people’s trust in the vaccines and in the vaccination process,” sabi pa ng mga doktor.

Nauna nang inutos ni Pangulong Duterte na ibalik ang mga donasyong Sinopharm vaccine ng China matapos na umani ng batikos ang kanyang pagpapaturok nito kahit wala pang EUA mula sa FDA.

Bakuna rin ng Sinopharm ang tinurok sa mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG) noong nakaraang taon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.