Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sinovac bakuna papatok sa kumpas ng WHO

0 218

Inaasahang mawawala na ang mga agam-agam sa pagpapabakuna ng Sinovac vaccine matapos isama ng World Health Organization (WHO) sa listahan ng emergency use.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque nagagalak ang Palasyo sa balita dahil mismong ang WHO na ang nagsabi na ligtas at epektibong gamitin ang Sinovac.

“Talagang makakatulong ito para maitaas ang kumpiyansa sa bakuna dahil ito ay karagdagang assurance ng isang UN-agency na ligtas at epektibo ang Sinovac,” ani Roque.

SM food to go Banner Ad

Kapag napabilang aniya sa listahan ng WHO emergency use list ang isang gamot o bakuna ay makakatiyak ng kaligtasan at epektibo ang sino mang gagamit nito.

“Hindi lang po ang FDA ang nagsabi na ligtas at epektibo ang Sinovac pati na rin po ating WHO dahil yun po ang ibig sabihin kapag nakasama sa emergency use list ng WHO,” dagdag ni Roque. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.