Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sinovac biyaheng VisMin na

0 102

Nakatakdang ipadala ng National Task Force on Covid19 at Department of Health (DOH) sa March 3 at March 5 ang Sinovac vaccines sa Cebu at Davao.

Ito ang inihayag ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez bilang pagsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawing pantay ang distribusyon ng Sinovac vaccine sa buong bansa.

Ayon kay Galvez, hindi lamang ang medical health workers sa Metro Manila ang makikinabang sa donasyong bakuna kundi pati na rin ang mga nasa iba’t ibang rehiyon sa bansa.

SM food to go Banner Ad

“Iyong deployment po March 3 at March 5. Uunahin po ang Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Cebu City at isusunod ang Southern Philippines Medical Center sa Davao City,” ani Galvez.

Bibigyan din aniya ng bakuna ang Regions III, IV-A, Baguio City at iba pang lugar.

Patunay lamang aniya ito na magiging pantay-pantay ang distribusyon ng bakuna kontra COVID-19. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.