Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sinovac hindi dapat tanggihan – NTF adviser

0 115

Iminungkahi ni National Task Force (NTF) Special Adviser Dr. Ted Herbosa sa mga Pinoy na huwag nang mamili ng bakunang ituturok dahil lahat aniya ng available na bakuna ay mabisa kontra COVID-19.

Ayon kay Herbosa, sang-ayon umano ang doktor sa sinasabing ‘the best vaccine is the one available’ sa kabila na maraming Pilipino ang duda sa ilang vaccine brand, partikular na sa Sinovac ng China.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“As of now, kitang-kita na ang Sinovac ay still nakaka-save ng severe and critical illness. Although mababa ‘yong kanyang efficacy sa mild. Pero kahit magka-mild na ubo, sipon ako, okay na sa akin ‘yon. Kung dalawa, tatlong araw lang na hindi naman ako maoospital, hindi naman ako maa-ICU at hindi ako mamamatay ay sa’kin ay effective ang bakunang ganoon,” banggit ng adviser, sa programang ‘Balitaan at Kumustahan’ ng Abante Radyo Tabloidista.

“‘Yong time na naghihintay sila at hindi naman sila nakakasiguro kung maii-schedule sila, baka iyon pa ‘yong time na magkaroon sila ng COVID-19,” dagdag niya. (Zaerus Mariano)

Leave A Reply

Your email address will not be published.