Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sinovac, Sputnik wala pang pruweba vs Delta variant

0 95

Umaasa ang isang medical expert na makakapaglabas ng data ang mga manufacturer ng mga bakunang Sinovac at Sputnik V kaugnay ng pagiging epektibo ng mga ito kontra sa Delta variant ng COVID-19.

Ayon kay Dr. Eva Maria Dela Paz, direktor ng Genomics Health Program ng Philippine Genome Center, kakaunti pa lamang ang mga pag-aaral na nagpapakita ng pagka-epektibo ng mga bakuna kontra sa Delta variant.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Binanggit ni Dela Paz ang mga pag-aaral na ginawa umano sa United Kingdom kung saan lumabas na ang Pfizer ay 88% na mabisa habang 66% naman ang AstraZeneca, pagdating sa Delta variant.

Sinovac ang bumubuo sa pinakamalaking parte ng mga suplay ng bakuna sa bansa. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.