Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sinovac turok hinarang ng mga doktor

0 136

Inawat ng mga doktor mula sa Philippine General Hospital (PGH) ang pagturok ng bakunang gawa ng Sinovac sa mga health care worker at iginiit sa mga health expert sa bansa na isailalim pa ito sa masusing pagsusuri bago gamitin sa vaccination program ng gobyerno kontra COVID-19.

Sa isang pahayag na inilabas ng PGH Physicians’ Association na may petsang Pebrero 27, 2021 tungkol sa plano umanong vaccine rollout simula Marso 1, inihayag ng mga doktor na base sa isinagawang vaccine pre-registration sa kanilang mga health worker at empleyado noong Pebrero 9-12, nasa 94% ang nagpahayag ng kahandaang paturok kontra COVID-19 dahil sa paniwalang ang gagamiting bakuna sa kanila ay sumailalim sa maayos na evaluation process ng Food and Drug Administration (FDA), Health Technology Assessment Council (HTAC) at National Immunization Technical Advisory Group (NITAG).

“On February 25, 2021, it was made public that PGH is ready to take whatever vaccine that becomes available. This announcement came after the FDA granted an Emergency Use Authorization (EUA) for the Sinovac COVID-19 vaccine,” pahayag ng mga doktor.

Base umano sa FDA, nirerekomenda ang Sinovac para sa mga “clinically healthy people” na edad 18 hanggang 59 subalit hindi para sa mga health worker na nasa frontline kontra COVID-19.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kaya nasorpresa umano sila sa PGH nang malaman na ang bakunang ituturok sa kanila ay gawa ng Sinovac.

“This was met by a sweeping disapproval rate of 95% on the initial survey done among PGH residents and fellows,” ayon pa sa mga asosasyon ng mga PGH doctor.

Giit ng mga doktor na dapat magkaroon ng transparency sa vaccination plan at nanindigan na isailalim pa sa masusing pag-aaral ng HTAC ang Sinovac bago ito iturok sa mga health worker para masigurong ligtas ang bakunang gagamitin sa kanila.

“The PGH PA stands firm that Sinovac, despite being the only vaccine available at hand, should undergo appraisal by the Health Technology Assessment Council (HTAC) to facilitate individual informed decision-making before it is administered to healthcare workers,” ayon pa sa mga PGH doctor.

Leave A Reply

Your email address will not be published.