Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sinovac unang ituturok sa mga health worker, matatanda

0 60

Unang tuturukan ang mga health worker at mga senior citizen ng bakuna laban sa COVID-19 na gawa ng Sinovac, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

“Mauuna po iyong mga priority areas na health workers ang bibigyan,” sabi ni Roque.

“Pero ang initial agreement po ‘no – although, hindi pa po ito in the form of a resolution – ay uubusin ang lahat ng health workers muna sa Pilipinas before we move on to the next sector,” paliwanag pa nito.

Muli naman inihayag ng Department of Health (DOH) na prayoridad nilang mabakunahan ang mga nasa `vulnerable sector’ dahil sa limitadong suplay ng bakuna.

“Kaya nga po tayo ay naglagay ng mga priority population…ito po ang tinatawag na at most risk or the most vulnerable among our population, kaya po ang ating stratehiya mabakunahan po natin itong vulnerable sectors of our population,” paglilinaw ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa Laging Handa briefing. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.