Abante Tonite Interactive

Sinundot ng konsensya Killer ng biyenan, hipag sumuko

320

Dahil sa takot at konsensya, sumuko ang suspect sa brutal na pagpatay sa isang mag-ina na kaniyang biyenan at hipag noong nakaraang buwan sa Nueva Ecija.

Sa press briefing kahapon sa Camp Crame, iprinisinta ni Police Brig. Gen. Roberto Fajardo, Director ng PNP-Highway Patrol (PNP-HPG) ang sumurender na suspek na si Edmyr Balimbin, nasa hustong gulang na wanted sa kasong murder at frustrated murder.

Si Balimbin ay bo-luntaryong sumurender sa mga elemento ng Regional Health Police Unit-National Capital Region Motorcycle Unit.

Ayon kay Fajardo, si Balimbin ay siyang suspect sa kasong multiple at frustrated murder sa bahay ng mag-ina noong Abril 17, 2019 sa Diamond Street, Rufina Homes 3, Brgy. Malasin, San Jose City, Nueva Ecija.

Sa nasabing insidente ay napatay ang biyenan nitong si Gina Garcia at hipag na si Jenny Grace Garcia habang sugatan naman si Karen Rosete.

Ayon kay Fajardo sumuko sa kanila ang suspect matapos magtago ng isang buwan dahil sa matinding konsensya.

Ayon sa suspect, nagawa umano niya ang krimen dahil hindi umano siya pinapartehan ng biyenan sa perang ipinadadala ng kaniyang misis na nagtratrabaho sa ibang bansa. (Armida Rico)