Abante Tonite
Mabilis sa Balita

`Siony’ palabas na, `Tonyo’ papasok

0 160

Palabas na ng Philippine Area of Responsibility(PAR) ang bagyong Siony subalit isang Low Pressure Area (LPA) na mamumuo bilang bagyo ang siya namang papasok ng bansa.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration(PAGASA) Biyernes ng gabi hanggang Sabado ng umaga ay lalabas ng PAR ang Bagyong Siony at tatahakin ang direksyon patungong Taiwan, napanatili nito ang lakas ng hangin na 95kph at bugso na 115kph at kumikilos sa bilis na 20kph habang papalayo ng bansa kaya naman patuloy na umiiral ang Storm Signal No. 2 sa Batanes habang Signal No 1 sa Babuyan Islands.

SM food to go Banner Ad

Sinabi ni PAGASA weather specialist Ana Clauren na ang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan sa labas ng PAR ay papasok naman bansa sa Biyernes ng gabi at mamumuo ito bilang bagyo sa loob ng 48 oras. Tatawaging Tonyo ang ikalawang bagyo ngayong buwan ng Nobyembre.

Magpapaulan ito sa Kabisayaan at Timog Luzon kaya pinag-iingat ng Pagasa ang mga residente. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.