Abante Tonite Interactive

SiPons, Dzi-Dij tandem bumawi

197

Matapos ang opening-­game day loss, bumawi ang Pilipinas sa bisa ng back-to-back win sa beach volleyball tournament sa 30th Southeast Asian Games sa converted Subic Tennis Court.

Matapos ang panalo sa Malaysia, giniba nina Sisi Rondina at Bernadeth Pons sina Mae Tasha at Tan Hsi Yan ng Malaysia, 21-13, 21-9, sa first match.

Matapos ang opening set loss, bumangon sina Dzi Gervacio at Dij Rodriguez para kalusin sina Joo Shu Woon at Foo Sin Xi, 17-21, 21-13, 15-7.

May karta nang 2-1 ang mga Pinay kasunod ng kabiguan sa Indonesia noong Biyernes sa prelimina­ries.

Sunod na makakatapat ng Pilipinas ang Thailand Martes.