Abante Tonite Interactive

‘SiPons’ pabibo agad sa R Beach Volleyball

172

Ipinaramdam agad nina Cherry Ann ‘Sisi’ Rondina at Bernadeth Pons ang lakas tapos hatawin ang 21-10, 22-20 panalo laban kina Mer Jauculan at Gen Eslapor ng University of Santo Tomas sa 2019 Rebisco Beach Volleyball International Open sa Biyernes sa Sands SM By The Bay, Pasay.

Isa sina Rondina at Pons ang malaki ang tsansang sumungkit ng medalyang gintong sa 30th Southeast Asian Games 2019 na iho-host ng bansa sa Nobyembre 30-Disyembre 11.

Dominado nina Rondina at Pons ang unang set pero binigyan sila ng magandang laban nina Jauculan at Eslapor sa second frame.

Nagtabla sa 20-20 ang iskor tapos ang service ace ni Jauculan, pero malutong na mga palo ang kinana ni Rondina para hawakan ang match point.
Napatawan ng net touch violation si Eslapor kaya napunta ang panalo kina Rondina at Pons.

Nagwagi rin ang ibang SEA Games PH team, pinayuko nina Dij Rodriguez at Dzi Gervacio sina DM Demontaño at Jackie Estoquia ong Sta. Lucia, 21-7, 21-9.
Sa men’s division, nanalo sina Edmar Bonono at Jude Garcia kina Edson Kaweo Ngiraiwet at Sakiusa Vaka Naivana ng Palau, 21-16, 21-15. (Elech Dawa)