Abante Tonite Interactive

Sipsip na guwardiya sinabuyan ng asido

By
786

Lapnos ang mukha at may posibilidad na mabulag ang kaliwang mata ng isang security guard makaraang buhusan ng asido sa mukha ng isa sa dalawang trabahador sa pabrika ng kemikal na may lihim na galit sa kanya sa Valenzuela City, kamakalawa nang umaga.

Napasigaw sa labis na sakit na naramdaman ang Officer-in-Charge ng mga security guard na si Edwin R. Odavar, 36, ng Dulong Tangke ng nasabing lungsod, na ngayon ay nakaratay sa Fatima Medical Center. 

Kinilala ni SPO3 Alexander Manalo ang mga suspek na sina Vicente Y. Sumeguin, 49, ng Block 15, Lot 1, North Ville 4-A, Brgy. Lambakin, Marilao, Bulacan at Benny R. Alarcon, 52, naninirahan sa Block 8, Lot 9, North Ville 1-B, Brgy. Punturin, Valenzuela City. 

Lumalabas sa imbestigasyon nina PO3 Regor Germedia at PO1 Ryan Alburo ng Station Investigation Unit (SIU) na bandang alas-6:30 nang umaga, nag­ro-roving si Odavar sa binabantayan nitong pagawaan ng kemikal sa San Francisco Street, Brgy. Karuhatan, Valenzuela City, kunsaan mga trabahador din sina Alarcon at Sumeguin.

Nagulat na lang daw ang biktima nang biglang sumulpot sa harapan niya ang dalawang suspek na may hawak na plastic na bote na may lamang asido na isinaboy sa kanyang mukha ni Alarcon.

Nabatid na nagtanim ng galit ang mga suspek sa biktima dahil masyado umanong sipsip ang huli sa management.