Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Siquijor malinis sa COVID-19

0 358

Habang ang ilang lugar sa Central Visayas ay nagkukumahog na makontrol ang pagkalat ng coronavirus disease, nananatiling COVID-19 free ang isang probinsya sa rehiyon.

Ayon kay Siquijor Provincial Police Office chief Police Col. Engelbert Soriano, may umiiral na mga health protocol sa kanilang lugar pero halos normal ang sitwasyon doon.

Ani Soriano, nananatiling malinis sa coronavirus ang probinsya dahil siguro sa lokasyon nito.

“Aside from the strict quarantine measures set by the local Inter-Agency Task Force, the nature of the island could be the reason why it remained COVID free. The island is accessible only by sea so it is very easy to monitor the people coming in,” wika ni Soriano sa ulat ng Manila Bulletin.

Sa kabila naman ng pagiging “zero COVID case”, hindi nagpapakampante ang mga awtoridad sa lalawigan at nag-iimplementa ng mga minimum health protocol gaya ng mandatory na pagsusuot ng face mask. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.