Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Siraan sa politika umpisa na

0 117

Sa Oktubre 1 na ang umpisa ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) sa lahat ng elective position para sa May 9, 2022 national at local election. Magtatagal ang paghahain ng COC hanggang Oktubreb 8.

Kasabay ng paghahanda sa paghahain ng COC ay umpisa rin ng siraan, gibaan ng mga magkakalaban sa pulitika. Kapansin-pansin sa local level kung saan uso ang mga paggigipit, paglabas ng mga propaganda para sa kanilang makakalaban sa darating na halalan.

Lalo na’t andiyan ang social media na ginagamit na platform ng mga pulitiko para siraan ang kanilang mga political opponent. Nagha-hire pa ng mga troll para tuloy-tuloy ang paggawa na mga mapananirang mga propaganda.

Ang iba naman nag-iimbento ng kung ano-anong kaso sa kanilang mga kalaban bago pa magsimula ang paghahain ng COC.

Halimbawa na diyan iyong nangyari kay Cavity City Mayor Bernardo Paredes na kinasuhan ng rape ng isang 17-anyos na batang babae sa Mandaluyong City.

Pero ayon sa abogado ng alkalde na si Atty. Antonio Luis Paredes, “fabricated” ang rape complaint na inihain laban sa mayor. Aniya, “premeditated, well-planned, and politically motivated” ang reklamo.

Ganyan talaga ang politika. Ang isang politiko, lalo na iyong mga talunan ay gagawa ng paraan para magkaroon ng isyu ang kanyang kalaban. Iyan ang bala niya para siran siya sa kanilang mga constituent.

Dudurigin nila sa kahit anong paraan para lang matalo sa eleksiyon. Malamang itong sa kaso ni Mayor Paredes, maganda ang kanyang pamamalakad sa kanyang bayan at talagang pilit nilang hinahatak pababa para makabalik sa puwesto dati nilang inabuso. Posibleng ganun.

Batay sa ulat, isang mayaman at makapanagyarihang politiko ang nasa likod ng complaint na nagsampa ng kaso laban kay Mayor Paredes. Halos 17 taon na puwesto ang alkalde at malamang na wala na silang maibatong isyu ng paninira sa mayor kaya ito ang naisipan nilang propaganda.

Ganyan talaga ang takbo ng pulitika, hindi nawawala. Minsan pa nga ginagamitan ng dahas o sabihin na nating nagpapatayan pa para walang maging sagabal sa pagkuha ng posisyon na kanilang inaasam.

Ngayong nalalapit na ang paghahain ng COC, asahan na punong-puno ng feed ang ating Facebook page at iba pang social media platform. Lalabas diyan ang kung-ano-anong mga black propaganda. Wakwakan, siraan, fake news. Abangan!

Leave A Reply

Your email address will not be published.