Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sirit presyo ng langis ibinabala

0 67

Nakikita ng Department of Energy (DOE) na magtataas ang presyo ng langis sa bansa sa susunod na mga buwan dahil sa pagsikip ng supply nito sa pandaigdigang merkado.

Kung kaya’t nanawagan si Energy Secretary Alfonso Cusi sa mga kompanya ng langis na mag-imbak na at siguruhing sumusunod sila sa minimum inventory requirements para maibsan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na mga buwan.

Sabi ng DOE, lahat ng kompanya ng langis at mga bulk supplier ay dapat may sapat na imbentaryo para sa 15 araw na pangangailangan ng petrolyo maliban na lang sa liquefied petroleum gas (LPG) na pitong araw lamang ang kailangan.

Ang mga refiner naman ay dapat mag-imbak ng sapat para sa 30 araw na supply ng krudo.

Sinisi ng DOE ang pagtataas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado

dahil sa malaki ang demand dito sa fourth quarter ng taon, ang hindi pagdagdag ng supply ng Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC), ang sanction laban sa Venezuela na nagbabawas ng isa hanggang dalawang milyong bariles ng krudo sa world market, ang hindi pagsulong ng usapan ng Estados Unidos at ng Iran tungkol sa sanctions nito, at ang pagsigla ng economic activity sa mayayamang bansa. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.