Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sirit-presyo ng langis sapol sunod na presidente– Palasyo

0 65

Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na magiging sakit ng ulo ng susunod na administrasyon ang posibleng pagsirit pa ng presyo ng petrolyo dahil sa pag-atake ng Russia sa Ukraine.

Sinabi ito ng Pangulo sa kanyang pagdalo sa groundbreaking ceremony ng Pampanga Provincial Hospital-Clark kahapon.

Ayon sa Pangulo, hindi na niya alalaha­nin angtaas-presyo ng petrolyo dahil malapit nangmatapos ang kanyang termino.

“I think the war in Europe will be one of attrition. Araw-araw walang hinto na ‘yang [oil price] increase,” sabi ni Pangulong Duterte.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kaugnay nito, pinaalalahanan ng Pangulo ang mga transport group na magsasagawa ng mga protesta kontra sa taas-presyo ng langis na unawain angreyalidad ng kahalagahan ng petrolyo at angepekto nito sa ekono­miya.

“Talagang magdaan tayo ng hirap kaya nagpasalamatako sa Diyos na matapos na ako, bilisan Niya angmga araw kasi kawawa itong susunod, tingnanninyo. Every day, the prices would increase and increase and increase, until we can have a stable situation,” sabi pa ng Pangulo.

Apektado aniya lahat dahil sa giyera ng Russia at Ukraine.

“I see a very dark, not really in desperation, but itong oil na ito, apektado lahat e. ‘Yung export, pati import natin, and how our economy is being run by oil. Itong lahat, it’s product of oil, lahat yan, the machineries, the energy, gawang oil ‘yan,” sabi ng Pangulo. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.