Abante Tonite Interactive

Sis Cristine wala munang lovelife

194

Simple at very fa­mily lang ang ­naging celebration ng ­younger sister kong si AA, ­tawag namin kay Cristine Reyes.

Nag-lunch kami kasama ang buong Reyes at si Mommy Klenk.

Humingi lang birthday cake sa akin si Cristine kaya ginawan ko sya ng vanilla flavor cake.

Masaya ang bon­ding namin kasi lagi na naming nakakasama si Cristine sa ma­raming gathering ‘pag may panahon siya.

Totoo, ang laki ng pinagbago ng kapa­tid ko dahil palagi na namin siyang nakikita at nakakasama, ‘di tulad noong nag-asawa siya na naka-focus lang buong buhay niya sa pamilya.

Hindi na rin siya mataray. Tapos na kami sa stage na nagkakatampuhan kami.
Tama yata ang ka­sabihan na kailangang pagdaanan mo ang isang phase sa buhay mo para matuto ka sa buhay.

Malaki ang nagawa ng pamangkin ko, si Amarah para mas lalong maging inspired sa buhay si Cristine.

Kailan lang noong Feb. 8, nag-5th bday na si Amarah.

Magkasunod lang sila ng birthday ni Cristine na Feb. 5 ­naman.

Ang wish ko lang kay Cristine bilang ate niya, mas mara­ming happiness ang duma­ting sa buhay niya, mga opportunities sa career lalo’t 31 years pa lang siya.

Bata nang magka-baby si Cristine, 25 years old pa lang siya.

Binibiro ko nga siya noon at sabi ko bakit mo ko sinabihang magbuntis?

I’m 35 years old nong ipanganak ko si Amanda. Dalawang buwan lang ang tanda ng anak ko sa anak ni Cristine.

Kung ako ang ­tatanungin, mas gusto kong ‘wag munang mag-lovelife si Cristine dahil maliit pa ang anak niya.

Focus muna siya sa career niya at sa travel nilang mag-ina.

Sis, I love you alam mo ‘yan. Happy birthday again at I’m always here for you.