Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sisi, Creamline swak sa Final 4

0 175

ABANTE sa Beach Volleyball Republic on Tour first leg semifinals sina Cherry Ann ‘Sisi’ Rondina at Bernadeth Pons ng Creamline 1 matapos dominahin sa quarterfinals ang PLDT nina Ella Viray at Iza Viray, 21-10, 21-6 nitong Linggo sa Santa Ana, Cagayan.

Matapos manguna sa Pool B ng torneo, tinuloy-tuloy ng Rondina-Pons tandem ang kanilang pananalasa sa quarterfinals.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Samantala, usad rin sa semifinals ang Biogenic nina Heather Guino-o at Roma Joy Doromal makaraang pataobin sa quarterfinals ang Sta. Lucia 2 nina Bang Pineda at Glaudine Troncoso, 18-21, 21-18, 20-18.

Kukumpleto para sa first leg semifinalists ng torneo ang Creamline 2 nina Dzi Gervacio at Dij Rodriguez at Good Health-CDO nina Babylove Barbon at Gen Eslapor. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.