Abante Tonite Interactive

Sisi, mga Tigress kampeon sa puso ng UST community

309

KAYO PA RIN!

Bigo mang maibalik sa España ang korona, marami pa ring bumilib sa determinasyon ng University of Santo Tomas (UST) Golden Tigresses kahit natalo sila kontra Ateneo, Sabado, Mayo 18 sa Game 3 ng UAAP Season 81 women’s volleyball sa MOA Arena.

Partikular na sinaluduhan ng fans ng UST ang kapitana, graduating open spiker at Season 81 Most Valuable Player na si Sisi Rondina.

Samu’t saring papuri mula sa netizens ang naglipana para kay Rondina, na nilaro ang kanyang huling UAAP game ngayong araw.

“Athletes dream for gold & glory but lacking one does NOT destroy or define you as an athlete. It’s the legacy you leave behind that people will always & forever remember about you. Thank you Sisi Rondina. One of a kind! Congrats Ateneo! #UAAP81VolleyballFinals #KamiUlit,” tweet ni Volleywood (@VolleyW00d).

Para kay Dracarys (@eyjaaay), si Rondina pa rin ang isa sa magagaling na open spikers sa UAAP at sabay bati rito ang kanyang tropa; “One of the best open spiker parin si Sisi Rondina. Still, congrats to you and to your team.

Thank you for giving Ateneo a great fight! @Rondina011”.

Para naman kay RoiYal | Diokno (@_RoiVincentM), isang ‘Legend’ na si Rondina dahil sa pinakita nitong laro sa buong season; “SISI RONDINA=LEGEND. RESPECT! SALAMAT, SISI! #KamiNaman #GoUSTe.

Tweet naman ni @realtigresses, “wala kayong dapat ikahiya, GOUSTE, champion kayo sa puso namin.”

Maging si three-time UAAP MVP Alyssa Valdez ay binati si Rondina sa Twitter; “You are one of kind @Rondina011.”

Mukhang babawi naman ang Tigresses ni coach Kungfu Reyes susunod na season sa pangunguna ni Eya Laure at posibilidad ng pagbabalik ng ate nito na si EJ Laure nang mag-tweet ito ng “Bawi tayo next year.” (Fergus Josue, Jr.)