Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sisibaking mga LRT-1 worker pinasasalo ni Tugade

0 304

Hiniling ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade sa Philippine National Railways (PNR), Light Rail Transit Authority (LRTA) at Metro Rail Transit (MRT) Line 3 na saluhin ang mga empleyado ng LRT-1 na masisibak sa trabaho.

“Hire qualified personnel to our rail lines and projects. Kawawa ang mga tao. Kung kailan pandemya, tsaka pa sila mawawalan ng trabaho. We must look into the possibility of absorbing them as quickly as we can. Huwag natin silang pabayaan. It’s the least and most humane thing we can do for them at this time,” ani Tugade.

Noong Martes inanunsyo ng LRT management na epektibo sa Setyembre 15, mahigit 100 empleyado nila o halos 20% ng kanilang workforce ang masisibak dahil na rin sa pagbaba ng mga sumasakay sa LRT-1 ng 90% sanhi ng pandemya. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.