Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sisirit pa presyo ng pagkain – Diokno

0 60

Mananatiling mabilis pa rin ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa mga susunod na buwan dahil sa kakulangan ng suplay ng karne at gulay, ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno kahapon.

Bukod dito, madadagdagan pa umano ito ng pagtaas naman ng presyo ng langis sa world market.

“Tighter supply of meat products owing in part to the African Swine Fever outbreak in the country could lend further upside pressures on inflation,” sabi ni Diokno.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Mandato ng BSP na itarget ang inflation rate sa antas na makatutulong sa paglago ng ekonomiya. Ang inflation rate ay ang bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin, serbisyo at iba pa.

Hindi ginalaw ng BSP ang interes sa mga pautang kahapon na nasa pinakamababa na nito sa kasaysayan. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.