Abante Tonite Interactive

Sison hindi kailangan sa peace talks – Lacson

394

Tutol si Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na isama pa sa peace talks si Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Ma. Sison para makamit ng bansa ang napakatagal nang hangad na kapayapaan.

Reaksyon ito ng senador matapos magpahiwatig ang Malacañang na muling buhayin ang peace talks sa hanay ng mga rebeldeng komunista.

Mas pabor kay Lacson na isulong ang localized peace talks.

“I have been batting for localized peace talks and in fact strongly suggested the same to former Peace Adviser Jesus Dureza and Labor Secretary Silvestre Bello III in one committee hearing of the Senate Committee on Peace and Unification chaired and presided by Sen. Gregorio Honasan II,” paliwanag ni Lacson.

Ayon kay Lacson, mas makatuwiran pa umano sa pamahalaan na gawing instrumento ang mga local government unit sa mga lugar na mahina ang New People’s Army para maituon ng pulis at militar ang kanilang lakas sa mga lugar na tukoy na balwarte ng rebeldeng grupo.

“Experience has shown that while Sison asks for a ceasefire and government accommodates his request, NPAs continue conducting ambushes and raids. This shows Sison no longer has control over the NPA’s armed regulars,” ayon pa kay Lacson.(Dang Samson-Garcia)