Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sitsirya ilayo sa mga bata

0 247

Bagama’t makatutulong ang pagpataw ng dagdag buwis sa mga junk food para malayo ang mga bata sa pagkain nito, binigyang-diin ni Senador Sherwin Gatchalian na mahalagang maprotektahan ang mga bata sa masamang epekto ng ‘unhealthy’ na produktong ito.

Ginawa ng senador ang pahayag kasunod ng pag-aaral ng World Health Organization (WHO) kung saan kinalampag ang promosyon ng addictive substance at unhealthy na produktong tulad ng mga sugar-sweetened beverage, salted snack food, fried fast food, at iba pa. Ang nasabing mga produkto ay nagiging sanhi ng mga non-communicable diseases tulad ng diabetes, obesity at heart disease.

Ayon kay Gatchalian, malaki ang magiging papel ng health education para patulungan ang mga bata na maging mapanuri sa masamang epekto ng pagkain ng junk food. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.