Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sitwasyon posibleng lumala sa mga bagong variant

0 321

Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na nakakabahala ang mga naglalabasang bagong COVID variants kaya dapat aniyang paghandaan ang mas posibleng malalang sitwasyon.

Sa kanyang Talk to the People, sinabi ng Pangulo na kapag nag-mutate ang mga bagong variants ay tiyak na magkakaproblema ang bansa.

“The pandemic is getting hotter and its getting to be dangerous also because maraming variants naglabas ngayon: India, UK, Africa and pag nag-mutate ito, nag-iba ang anyo, we will have a problem now with discovering new vaccines, and if it more – a serious mutant, the variant, we will just have to prepare for the worst,” anang Pangulo.

Tama aniya ang ginagawang preparasyon ng National Task Force Against COVID-19 kahit pa sumobra ang mga biniling bakuna dahil walang makapagsabi kung biglang lumutang ang mga bagong variant. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.