Abante Tonite Interactive

Sixers ibabartolina sina Russell, Dinwiddie

299

Uumpisahan ng No. 3 Philadelphia at No. 6 Brooklyn ang showdown sa first round ng Eastern Conference playoffs sa Linggo (araw sa Manila).

Tumawid na ng West si Le­Bron James at nawala sa postseason, sa unang pagkakataon sapul noong 2010 ay hindi na sa kanyang home court sa East ang headquarters ng NBA Finals sa June.

Walong sunod na taon na naki­pagbuno si James sa titulo. Nilampaso ng Warriors si James at ang Cleveland 4-1 noong 2017 bago winalis din noong isang taon.

Abante Hiring – IT dep

Open season sa East, unahan sa trono ni James.

Isa sa nag-aambisyon ang Sixers, pero aminado si coach Brett Brown na problema nila ang makulit na guards ng Nets. Pinaghatian ng dalawa four-game series sa regular season, nagpasakit sa ulo ng 76ers sina D’Angelo Russell at Spencer Dinwiddie.

Nag-average si Russell ng 27.3 points at 7.3 assists kontra Philadelphia ngayong season, iniskoran sila ni Dinwiddie ng career-high 39 noong Dec. 12 sa Philadelphia.

Nasa Brooklyn pa si Joe Harris, ang three-point contest champion ngayong season na NBA leader sa three-point percentage. Balik na rin ang laro ni Cris LeVert na inabot ng dislocated ankle noong November.

May Ben Simmons at Joel Embiid ang Sixers, threat din si Jimmy Butler.
Si Butler ang nagbaon ng 3-pointer, 0.4 seconds na lang na kumumpleto sa comeback 127-125 victory noong Nov. 25. (VE)