Abante Tonite
Mabilis sa Balita

SK chair swak sa shabu

0 274

Dinakip ang isang Sangguniang Kabataan (SK) chairman sa ginawang anti-illegal drug operation sa Barangay Betag, La Trinidad, Benguet, ayon sa La Trinidad Police Station (LTPS) noong Lunes.

Kinilala ng LTPS ang suspek na si Jhony Titiwa Palsa-en, 23, SK chairman ng Barangay Palina, Kibungan, Benguet at isa umanong high value individual drug personality.

Ayon sa pulisya, gumawa muna sila ng surveillance operation bago arestuhin ang suspek.

Sa buy-bust, isang undercover agent na pulis ang umaktong buyer ng illegal drug na siyang pumosas habang nasa aktong inaabot ang pinaghihinalaang shabu.

Napag-alaman na si Palsa-en ay hindi nagtutulak ng shabu sa kanyang barangay. Bagkus, dumarayo pa ito sa ibang bayan upang hindi siya paghinalaan ng kanyang mga kalugar.

Nakuha sa suspek ang ilang gramo ng shabu at marked money na ginamit sa operasyon.

Nakakulong ngayon sa LTPS jail ang SK chair at nahaharap sa kasong Comprehensive Dangerous Drugs Act. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.