Abante Tonite Interactive

SK chairman timbog sa Pangasinan buy-bust

By
209

Arestado sa anti-illegal drug buy-bust ang Sangguniang Kabataan (SK) chairman sa Mangatarem, Pangasinan.

Batay sa ulat ng Mangatarem Police Station, nakilala ang suspek na si John Carlos Fernandez, 22, ng Brgy. Muelang ng nasabing bayan.

Nakatanggap umano ng impormasyon ang Philippine Drug Enforcement Agency-Region 1 na mayroong iligal na aktibidad ang suspek sa nasabing lugar kaya naman nagkasa ito ng operasyon para madakip si Fernandez.

Nahuli ang suspek sa aktong pagbebenta ng shabu sa isang undercover agent ng PDEA-R1 na umaktong shabu buyer. Ayon pa sa ahensiya target ni Fernandez na bentahan ng droga ang kabataan.

Nakuha mula sa suspek ang apat na piraso ng hinihinalang shabu at marked money na ginamit sa operas­yon buy-bust.