Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Skate park bubuksan sa Tondo

0 301

Isang makulay at maaliwalas na skate park ang muling bubuksan sa Tondo, Maynila sa oras na humupa na ang COVID-19 pandemic, ayon kahapon kay Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso.

Libre sa lahat ang Vistas Skate Park sa upang magamit ng mga taga-Maynila at para mahubog ang mga susunod na kampeon sa larangan ng sport.

“Mga Batang Maynila! Isang makulay na skate park ang aming muling bubuksan ng libre para sa inyo sa oras na matapos ang pandemyang ating kinakaharap,” wika ng alklade sa kanyang Facebook post. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.