Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Skyway 3 libre sa mga medical frontliner – SMC

0 343

Inihayag ni San Miguel Corporation (SMC) president Ramon S. Ang na papayagan nilang dumaan ng libre sa bagong bukas na Skyway 3 ang nasa 10,400 medical frontliner sa COVID-19 pandemya.

Nauna nang nilibre ng SMC ang mga medical frontliner sa iba pang expressway na hawak ng kompanya simula pa noong Marso 2020 matapos manalasa ang COVID-19 sa bansa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ibig sabihin, libre ang mga medical practitioner dumaan sa Skyway 3 kahit tapos na ang libreng pagpapagamit nito sa publiko.

Ipinahayag din ni Ang na hanggang Enero 18, 2020 o makalipas ang 10 buwan matapos ilunsad ng SMC ang nasabing programa noong Marso 2020 ay nasa P156 milyong toll na ang nilibre nila para sa mga doktor, nurse, laboratory technician at iba pang medical worker na tumutugon sa pandemya.

Nabatid na simula kalagitnaan ng Hunyo 2020, SMC lang ang toll operator na nagpapatupad ng “no toll fee” policy para sa mga medical practitioner na dumadaan sa Southern Tagalog Arterial Road (STAR), South Luzon Expressway (SLEX), Skyway system, NAIA Expressway (NAIAX), at Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX).

Leave A Reply

Your email address will not be published.